Wednesday, February 18, 2009

Peculiar


Minsan nakakabagot ang walang ginagawa.
Nakatanaw lang sa malayo, nag re-reminisce kung sabihin pa ng iba.
Naghihintay na makayang inumin ang mainit na kape sa harapan.
Nag-iisa, pero masaya.
Walang ma kausap, pero malikot ang isip.
Yan na siguro ang pinaka OK na retreat.
Hindi yung spiritual retreat na dinadaluhan nung highschool.
Yung retreat ng mga mahilig mag-isa.
Di ibig sabihin na wala na siyang kaibigan.
Mahilig lg nga, kung maaring ulitin.
Nakakabadtrip ang traffic.
Ang maraming tao.
Ang mga ayaw magpaawat na mga bibig.
Ang mga problema.
Kung pwedeng takasan, tinakasan mo na siguro.
Pero di pwede.
Kaya eto nalang, nagri-retreat.
Bukas panibago na namang hamon.
Deadlines.
Solutions.
Mga kaibigang hihingi ng advices.
Mga suitors na kelangang sagutan ng oo o hindi.
Mga bilin ng magulang.
At minsan, kung paano i-save ang mundo.
Di naman na superhero ka.
Obligasyon mo rin kasi yun.
Di lang ni wonderwoman o ni batman.
O di kaya ng mga nagpe-pretend na mga tagapagligtas.
Saka na yung goodtime, yung mga walang silbing ingay.
Ipabukas mo na muna, dito ka na mag concentrate.
Alam mo bakit?
Kasi kelangan rin ng tao mag-isa minsan.
Ano man karami ang mga kaibigan niya,
Sigurado na sa sarili mo parin ka kukuha ng lakas.
Di yan fact o fiction, nobela lg ng totoong buhay.
Kaya eto nalang ang iiwan ko sayo.
Magkape ka minsan, mag muni-muni sa paborito mong happy place.
Mag-isa.
Walang kasama.
Tapos ibulong mo sakin ang epekto.

PRODUKTO NG PAGKAKAPE MAG-ISA by Pats Ombion


No comments: