Wednesday, February 18, 2009

Peculiar


Minsan nakakabagot ang walang ginagawa.
Nakatanaw lang sa malayo, nag re-reminisce kung sabihin pa ng iba.
Naghihintay na makayang inumin ang mainit na kape sa harapan.
Nag-iisa, pero masaya.
Walang ma kausap, pero malikot ang isip.
Yan na siguro ang pinaka OK na retreat.
Hindi yung spiritual retreat na dinadaluhan nung highschool.
Yung retreat ng mga mahilig mag-isa.
Di ibig sabihin na wala na siyang kaibigan.
Mahilig lg nga, kung maaring ulitin.
Nakakabadtrip ang traffic.
Ang maraming tao.
Ang mga ayaw magpaawat na mga bibig.
Ang mga problema.
Kung pwedeng takasan, tinakasan mo na siguro.
Pero di pwede.
Kaya eto nalang, nagri-retreat.
Bukas panibago na namang hamon.
Deadlines.
Solutions.
Mga kaibigang hihingi ng advices.
Mga suitors na kelangang sagutan ng oo o hindi.
Mga bilin ng magulang.
At minsan, kung paano i-save ang mundo.
Di naman na superhero ka.
Obligasyon mo rin kasi yun.
Di lang ni wonderwoman o ni batman.
O di kaya ng mga nagpe-pretend na mga tagapagligtas.
Saka na yung goodtime, yung mga walang silbing ingay.
Ipabukas mo na muna, dito ka na mag concentrate.
Alam mo bakit?
Kasi kelangan rin ng tao mag-isa minsan.
Ano man karami ang mga kaibigan niya,
Sigurado na sa sarili mo parin ka kukuha ng lakas.
Di yan fact o fiction, nobela lg ng totoong buhay.
Kaya eto nalang ang iiwan ko sayo.
Magkape ka minsan, mag muni-muni sa paborito mong happy place.
Mag-isa.
Walang kasama.
Tapos ibulong mo sakin ang epekto.

PRODUKTO NG PAGKAKAPE MAG-ISA by Pats Ombion


Sunday, January 18, 2009

The Jeep of Juan Has A Hole In The Tire



Nakasakay ka na ba ng jeep?
anong feeling?
masaya ba?
mainit ba?
masikip ba?


Nakasakay ka na ba ng jeep?
kamusta ang mga katabi mo?
masungit ba?
mabaho ba?
gwapo ba?


Nakasakay ka na ba ng jeep?
sinong kasama mo?
magkaholding hands ba kayo?
nilibre ka ba niya?
o ikaw ang nanglibre?


Nakasakay ka na ba ng jeep?
patok ba 'yon?
kasing bilis ba ng mga bus?
meron ba siyang "Push the button to stop"?
o 'di kaya "Batak mo, Hinto ko"?


Nakasakay ka na ba ng jeep?
nabiktima ka na ba ng "dura gang"?
o nang "kalabit gang"?
nakaramdam ka na ba ng sakit ng t'yan habang nagbbiyahe?
o umutot ng malakas?


Nakasakay ka na ba ng jeep?
ni-minsan ba naranasan mong hindi ka suklian ng driver?
na nagbibingi-bingihan siya dahil bente ang pera mo at bababa ka na?
na hanggang sa lahat ng kasakay mo nakatingin na sa'yo?
at hanggang sa bumaba ka nalang kasi lumalayo na ang iyong lalakarin dahil umaandar parin ang jeep?


Nakasakay ka na ba ng jeep?
jeep na may buhok ng pasahero sa may ilaw sa itaas?
na-try mo na bang mauntog sa ilaw na 'yon?
eh madulas sa loob ng jeep kasi madami kang dala?
eh kinadatan ng kaharap mo sa jeep?


Nakasakay ka na ba ng jeep?
na sa sobrang saya ng biyahe ayaw mo ng bumaba?
o sa dami ng memories na meron at posibleng magpaalala sayo nito ayaw mo ng sumakay ulit?
o dahil sa walang kang ng pambayad, nag "wan-tu-tri" ka nalang?
o hindi kaya nagiinarte ka at magmumukang low-class kaya ayaw mo maki-ride?


Istoryang Jeepney by CFV

*PATOK - yung mabilis na maingay na mga jeep


Did you know...

Jeepneys are the most popular means of public transportation in the Philippines. They were originally made from jeeps left over from World War II and are well known for their flamboyant decoration and crowded seating. They have also become a symbol of Philippine culture.

The word jeepney is usually believed to be a portmanteau of "jeep" and "jitney".

Another word for jeepney is fierra but it's almost never used. It is best known in a song called Ang Fierra ni Juan Ay May Butas Sa Gulong (The Jeep of Juan Has A Hole In The Tire). Read more...



Thursday, August 9, 2007

DX



Tenen!

Eto...eto si DX ang aking kamera. Hindi siya ordinaryong kamera, dahil bukod sa pagiging dslr, eh may isang napakahalagang importansyang dahilan kung bakit siya nandito.. (ano daw?) AH BASTA. Isa siya sa "most valuable things" sa buhay ng nagta-type ngayon. *ehem*

Regalo siya ng aking ama (at itago natin siya sa pangalang "DJ")

Isang supresang na talaga naman ikinagulat ko. Hindi ko hiniling. Hindi ko pinangarap. Para siyang hulog ng langit pero hindi ko talaga hiniling at pinangarap. Ayun.. inulit ko lang sinabi ko. haha.. pero seryoso, Hindi talaga sumagi sa utak ko yang ganyan klaseng gadyet na gustong gusto ng iba.

Oo, alam ko.. interesado ako sa photography. Salamat lang talaga kay DJ sa supresang yan.